Unang nakilala ang Kapuso singer James Wright noong sumali ito sa 2014 reality competition ng GMA-7 na “Anak Ko ‘Yan.”
Kahit na hindi sinuwerte na manalo, ‘yung mga nagwagi sa naturang contest ay nawala na at siya lang ang nagkaroon ng kontrata with GMA Records.
No regrets sa pagsali sa “Anak Ko ‘Yan” dahil naipakita niya ang talent niya sa music na siyang unang gusto niyang gawin.
“Before joining “Anak Ko ‘Yan,” I was suppose to enroll in a pre-law course. I wanted to be a lawyer.
“But my passion is music. I have always loved music ever since I was a kid.
“My mom, who has been a big supporter of mine, told me to choose the one that will make me happy.
“Kung music daw ang nagpapasaya sa akin, ‘yun ang piliin ko and she will support me all the way.
“‘Yung pre-law course daw, puwede kong balikan anytime, pero ang opportunity to showcase my talent is once in a lifetime lang,” pag-alala pa ni James.
Ang first break ni James as singer ay dahil sa single na “Sana’y Ikaw” na ginamit sa teleserye ni Marian Rivera na “Carmela.”
His third single titled “Kung Hindi Ikaw” ay ginamit naman sa teleserye nila Carla Abellana ang Tom Rodriguez na “My Destiny.”
Now his new single from his 2nd album titled “ust Wright” is titled “My Destiny” ay gagamitin naman sa teleserye ni Jennylyn Mercado na “My Love From The Star.”
All his songs are dedicated sa kanyang ina na isang cancer survivor.
“Whenever I sing a song, I always think of my mom who bravely battled breast cancer.
“Noong matapos na ang procedure niya, doon lang siya nagsabi sa amin.
“Kaya I always dedicate each song to my mother who is such a brave woman,” diin pa ni James.
Kasama pa sa bagong album ni James ang “Ibig Bang Sabihin”, “Please Come Back”, “Open Up.”
“Just Wright” is available in Astroplus and Astro Vision outlets, Landmark and online at lazada.com.
(Ruel J. Mendoza)