Inamin ng female winner ng Artista Academy ng TV5 na si Sophie Albert na muntik na siyang mag-quit ng showbiz noong nakaraang taon.
Wala naman daw nangyayari sa career niya sa TV5 kaya hiniling nitong ma-release sa kanyang kontrata at may iba na lang daw siyang gagawin.
Balita rin kasing hindi rin daw natupad ang mga pangakong premyo ng TV5 sa kanya tulad ng P5 million contract at ang isang condo unit.
Pero pinabayaan na lang daw iyon ni Sophie dahil gusto na raw niyang magsimula ulit.
“I was ready to start a new career for myself kasi walang nangyayari sa showbiz career ko.
“Malaki ang utang na loob ko sa TV5 kasi without Artista Academy, walang pong Sophie Albert, ‘di ba?
“Kaya I decided to get into a new career. Ayoko po kasing nasasayang ang time ko,” diin pa niya.
Pero biglang dumating ang pagkakataon na na-meet niya ang talent manager na si Manny Valera at nabigyan siya ng kontrata with Regal Entertainment. Ngayon ay papasok na rin siya bilang isa sa mga bagong talents ng ABS-CBN 2.
Ngayon ay nakatapos siya ng pelikula, “Moonlight Over Baler” kung saan nagpakita siya ng magandang performance ayon pa sa direktor nitong si Gil Portes at ang lead actress na si Elizabeth Oropesa.
“Nabuhayan po ako ng loob because of “Moonlight Over Baler.”
“I began to feel my passion again for acting.
“I realized po na this is what I really love to do.
“With the help of my new manager, Tito Manny, he helped reinvent chart my career. Hopeful this 2017, more opportunities will come for me as an actress.”
All praises sa kanya si Elizabeth Oropesa noong mapanood nito ang mga eksena niya.
“I play Fidela and Sophie plays my young version in the movie.
“I am impressed by this girl. Ang galing ng batang ito when I saw the movie.
“Hindi talaga siya nagpapahuli sa kahit sinong kaeksena niya,” diin pa ni La Oropesa.
“Moonlight Over Baler” opens in theaters on February 8. (RUEL J. MENDOZA)