Nadakip sa Quezon City nitong Lunes ang lalaking umano’y pumatay at gumahasa sa isang 12-taong gulang na mag-aaral sa Bagumbong, Caloocan City, noong Linggo.
Sinabi ni Senior Supt. Chito Bersaluna, Caloocan Police chief, na naaresto nila ang suspect na si Lino Albaiz, 43, nang ituro ng sarili niyang kapatid ang bahay na kaniyang pinagtataguan.
Natunton ng Caloocan police ang suspek dakong 12:30 p.m. sa bahay ng kaniyang pinsan sa Diliman, Quezon City.
Ayon sa police, umamin si Albaiz na napatay niya ang batang si Rebecca Galguera, isang elementary student na nakatira sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan, dahil nanlaban ito habang minomolestiya niya.
Sinabi ni Bersaluna na kapatid mismo ng suspect ang nagpunta sa himpilan ng pulisya para ituro ang kinaroroonan ni Albaiz.
“The brother pitied the family of the victim. He went to us and told us that the suspect was hiding at their cousin’s house in Diliman, Quezon City,” ani Bersaluna.
Matatandaan na natagpuan ang hubad na bangkay ni Galguerawas noong umaga ng Linggo sa isang bakanteng lote sa Cypress St, Barangay 171, Bagumbong, Caloocan.
Ayon sa mga testigo, si Albaiz ang kasama ni Galguera noong huli siya nakitang buhay.
Sinabi ni SPO2 Allan Budios, case investigator, na inihampas ni Albaiz ang ulo ng biktima sa pader bago niya ito tinakpan ng plastic bag.
“At first, he was insisting that he and the victim were lovers. But when asked why he killed the girl, he said that she fought back,” sabi ni Budios.
Nakakulong ngayon si Albaiz sa Caloocan Police detention cell. (Jel Santos)