Patay ang isang 15-taong gulang na estudyante matapos buntalin ng kaniyang kainuman sa Quezon City, ayon sa police report kahapon.
Pumanaw si Reynald Generoso noong Linggo ng umaga sa Caloocan City Medical Center, apat na oras matapos siyang isugod doon. Nawalan siya ng malay nang suntukin ng suspect na si Jose Luis Mina, 19, dakong 3:30 a.m. sa Quezon City.
Base sa imbestigasyon, pumunta sina Generoso at Mina, kapuwa residente ng Caloocan, sa QC para makipag-inuman sa mga kaibigan sa isang bahay sa kanto ng Ligaya at F. Torres St., Barangay Pag-ibig sa Nayon.
Nagbuno ang dalawa matapos na makipag-away ang girlfriend ni Mina sa isang babae sa lugar na iyon.
(Vanne Elaine P. Terrazola)