‘Kaaliw ang pambubuko ni Vice Ganda sa estado ng relasyon nina Coco Martin at Julia Montes sa guesting nito sa “Gandang Gabi Vice.” Kahit walang diretsang pag-amin, halatang may “something” talaga sila ni Coco.
Halatang may nalalaman si Vice sa totoong namamagitan between Julia and Coco. Kita sa kamera ang pasimpleng paghampas ng hawak na mikropono ni Julia kay Vice. Para bang pinatitigil niya si Vice sa pambubuko nito.
May sinabi pa si Julia na ayaw niya na may kasabay siya. Kung siya, siya lang dapat.
Kilig-kiligan ang CocoJul fans sa studio. Mukhang may nalalaman din sila sa totoong namamagitan sa kanilang idols.
Halatang pinipigilan ni Julia ang kilig kay Coco nang sabihin ni Vice na, “Ang friend (Coco) ko ang nagpapasaya sa iyo.” ‘Yun na!
Malapit na ang Valentine’s Day, aamin na kaya sina Coco at Julia?
Pasaway?
May attitude problem nga ba si Gabbi Garcia? May mga negative write-ups tungkol sa kanya na parang mahirap paniwalaan. Nasulat noon na iniwan niya ang isang grupong male dancers sa isang out-of-town show.
May tsika ring diumano’y parang “ina-under” niya ang rumored boyfriend niya at co-star sa “Encantadia” na si Ruru Madrid. Tipong sunud-sunuran daw si Ruru sa lahat ng gustuhin ni Gabbi.
May tsika ring diumano’y break na sila, kahit hindi naman nila inamin na may relasyon sila. Nagdedeadmahan daw sila sa taping. May tsika ring diumano’y imbiyerna na kay Gabbi ang production staff ng “Encantadia” dahil diumano, sa kanyang pagiging feelingera.
Totoo kaya ang mga naglalabasang negative tsika tungkol sa Kapuso young actress? Kapag nakakausap namin si Gabbi, sweet-sweet-an naman siya.
No regrets
Happily married for seven years si Elizabeth Oropesa sa former Hongkong superstar na si Meng Fei. Sa Hongkong sila tumira. Na-miss ni Beth ang showbiz, pero ayaw siyang payagan ni Meng. Bumalik sa Pilipinas si Beth at pinili ang career, kaya naghiwalay sila.
No regrets si Beth sa naging desisyon niya. Hanggang ngayon, active pa rin siya sa showbiz. Mapapanood siya sa “Moonlight Over Baler” na opening day ngayon sa mga sinehan nationwide.