May 21 katao, kasama na ang 16 na bumbero, ang nasugatan sa isang sunog na tumagal ng 10 oras sa Parola Compound, Tondo, Manila, mula Martes ng gabi hanggang kahapon ng umaga.
Ayon sa Manila Fire Department, tinatayang 3,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na nagsimula sa bahay ng isang “Lola Adan” sa Area B, Gate 10 ng Parola Compound dakong 9:41 p.m. Sinabi ni Chief Inspector Marvin Carbonel, fire marshal, na umabot sa Task Force Delta ang sunog na mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan.
Nahirapan din ang mga bumbero sa pagkontrol ng apoy dahil sa mabigat na trapiko sa kanilang dinaanan. Dakong 7:25 a.m. na kahapon nang maapula ang apoy na sumira sa R6 milyong halaga ng ari-arian. (Jaimie Rose R. Aberia)