Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan sa dalawang magkahilaway na sunog sa Manila noong Huwebes ng hapon.
Sa Tondo district, tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Pilapil Street, Barangay 66. Nagsimula ang apoy dakong 2:48 p.m. at naapula makalipas ang dalawang oras.
Ayon sa awtoridiad, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Gloria Guttierrez at mabilis na kumalat sa limang pang kabahayan.
Base sa report, 16 na pamilya ang nawalan ng bahay at umabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang nasira dahil sunog.
Sa Sampaloc district, sampung bahay ang naabo ng apoy na nagsimula sa bahay ng isang Dr. Edmund Floredo sa Aranga Street bandang 5:38 p.m.
Sinabi ng fire officials na isang hindi pa kilalang residente ang nasugatan sa kasagsagan ng sunog. Umabot sa P500,00 ang halaga ng ari-arian ang naabo.
Inaalam pa ng mga awtoridiad ang sanhi ng dalawang insidente ng sunog. (Analou De Vera)