Dahil sa papalapit na pagdiriwang ng Valentine’s Day, binalaan ng EcoWaste Coalition ang publiko, lalo na ang kababaihan, laban sa pagbili at paggamit ng mumurahing lipsticks na may mataas na antas ng lead.
Ipinahayag ng grupo ang babala matapos matuklasan sa kanilang pag-iimbestiga na nagkalat sa merkado ang mga lipsticks na imitasyon ng branded products na ibinibenta sa napakababang halaga at walang market authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Paulit-ulit na ring binalaan ng FDA ang publiko laban sa pagbili ng lipsticks na walang kaukulang cosmetic product notifications dahil maaaring nagtataglay ang mga ito ng mataas na sangkap ng metal tulad lead na napatunayang lason kung maiipon sa katawan sa katagalan ng paggamit.
“Women should be on the alert for dangerous substances like lead and other contaminants that may be lurking in some lipsticks, particularly counterfeit ones, that could build up in the body over time and spell trouble for the brain, the kidneys and even the heart,” ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.
Ilan sa mga natuklasang toxic lipsticks ay ang pekeng MAC lipsticks tulad ng Zac Posen # 08 at MAC Matte Lipstick #07; Zac Posen #5, #12 and #14 at phony MAC Charlotte Olympia at MAC Vivaglam.
Mataas din ang lead content ng Monaliza Series lipsticks #20, at pekeng Chanel Red Rule Matte Lipstick #18. Ang Monaliza lipsticks ay kasama sa mga ipinagbawal na ng FDA dahil sa mataas na lead content. (Chito Chavez)