Patay ang isang lalaki pagkatapos umanong saksakin ng dalawang negosyante sa Tondo, Manila noong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Roberto Salamat, 45.
Batay sa imbestigasyon, kumakain ang biktima sa harap ng sari-sari store sa Rodriguez St. na pagmamayari ng mga suspect na sina Rafael Sera Jose, 63, at kanyang anak na si Ronald, 34, ng maisipan nitong bumili ng sigarilyo sa tindahan.
Hindi nakabili ang biktima dahil wala ang kanyang brand na hinahanap. Nagkaroon ng alitan ang biktima at magama.
Pumasok si Rafael sa loob ng kanyang bahay at kumuha ng patalim. Sinaksak ni Rafael habang hawak ng kanyang anak ang mga braso ng biktima.
Nakatakas ang biktima at dinala sa ospital kung saan siya binawian ng buhay. Nasukol si Rafael sa isang follow up operation samantalang pinaghahanap pa ng mga otoridad si Ronald. (Jaimie Rose Aberia)