Patay ang isang jeepney barker na hinihinalang drug pusher pagkatapos pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo sa Pasig City noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ng Pasig police ang biktima na si Rodolfo Marbella, alias “Jay-Jay,” 23, walang asawa, at residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig.
Ayon sa salaysay ng isang saksi, nasa loob siya ng isang carinderia sa F. Soriano St. ng makarinig siya ng sunod sunod na putok ng baril. Nakita na lamang ng saksi na papatakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo pagkatapos ng ilang saglit.
Nagtamo ng mga tama ng baril sa katawan ang biktima na isa rin umanong magnanakaw na agad niyang ikinamatay.
(Jenny F. Manongdo)