Isinusulong ng Bureau of Customs (BoC) ang pagbuo ng Port of Manila Maritime Trading District (PMTD) na inaasahang makakapag-generate ng R150-billion revenues kada taon.
Sinabi ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na inaasahan nilang buksan ang PMTD sa taong 2018.
“Upon completion, it will be a world-class maritime trading district that would provide a highly modernized customs and port operations facility and a premier international trade and transshipment hub within the Asia-Pacific region,” pahayag ni Faeldon nang magdiwang ang BOC ng 115th anniversary kamakailan.
Isang schematic master plan ang inihanda para sa naturang proyekto, ayon kay Faeldon.
Target ng BoC na makakolekta ng P467.896 billion ngayong 2017, mas mataas ng 2.5 percent sa P456.46 kita noong isang taon. (Betheena Kae Unite)