Buong ningning na itinanggi ng Kapuso comedienne and host na si Arianne Bautista ang nabalita noon na nagkaroon sila ng relasyon ng Kapuso aktor na si Rocco Nacino noong nakaraang taon.
Kasalukuyang napapanood si Rocco sa GMA primetime teleserye na Encantadia. Si Arianne naman ay nasa afternoon telesere na Ika-6 Na Utos at look-alike ng Kapamilya actress na si Toni Gonzaga.
Sa social media, may mga nagpatotoo na nagkaroon ng short-lived romance sina Arianna at Rocco. Hindi raw tumagal ang kanilang relasyon dahil may mga bagay daw silang hindi napagkasunduan.
Ayon sa isang source naman, tuwing tatanungin si Rocco tungkol kay Arianne, umiiwas daw ito. Mas gusto raw nitong mas pag-usapan ang kasama niya sa Encantadia na si Sanya Lopez.
Nag-deny naman si Arianne tungkol sa napabalitang short-lived romance niya with Rocco noong nakaraang taon.
“Friends lang po kami ni Rocco. We have the same group of friends kasi.
“Nagkasundo kami dahil pareho kaming mahilig sa business.
“Kung may makakakita po sa amin na magkasama minsan, it’s because business ang pinag-uusapan namin.
“Nagulat din ako noong may mga nasulat na naging kami. Hindi po totoo iyon kasi magkaibigan lang kami po,” diin pa ni Arianne.
Pina-explain kay Arianne ang isang Instagram photo na pinost ni Rocco na nasa Cebu sila kasama ang magkasintahang sina Mark Herras at Winwyn Marquez.
Foursome date daw iyon nila sa Cebu.
“That time po, I was also in Cebu. Noong malaman nila Mark, Wyn at Rocco na I was there, nagkita-kita kami.
“Foursome date talaga? Aksidente lang na nagkita kami at sumama na ako sa pagpasyal nila,” natatawang paliwang pa ni Arianne.
Inamin ni Arianne noong nakaraang taon na nakipaghiwalay siya sa kanyang Chinese boyfriend.
Ayaw daw muna niyang magkipagrelasyon dahil gusto niyang tumutok sa kanyang mga negosyo at sa kanyang showbiz career.
(RUEL J. MENDOZA)