Isang Indian businessman na nakaligtas sa ambush sampung taon na nakararaan ang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Kinilala ng police ang biktima na si Rai Bansal, 60, ng Barangay 55, Caloocan City. Base sa imbestigasyon, binabagtas ng biktima ang Teodoro Street sa 5th Avenue, Barangay 55, Caloocan, sakay ng motorsiklo bandang 11 a.m. nang pagbabarilin ng salarin.
Base sa police report, inabangan ng nakamotorsiklong suspect si Bansal at saka siya pinaputukan gamit ang .45-caliber pistol.
Nakasuot ng helmet ang gunman, ayon sa witnesses. Na-recover sa crime scene ang apat na basyo ng bala. Ayon kay Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Caloocan Police chief, nakaligtas si Bansal sa ambush noong taoong 2006 ngunit napatay naman ang kaniyang kaibigan sa insidenteng iyon. (Jel Santos)