Sinibak si Senior Supt. Milo Pagtalunan bilang Makati City police chief dahil sa kabiguan niyang mapigilan ang paglaganap ng krimen sa kaniyang nasasakupan, ayon kay Southern Police district director Chief Supt. Tomas Apolinario.
Pinalitan si Pagtalunan ni Senior Supt. Dionisio Bartolome, dating naka-assign sa Police Regional Office 4-A. Ayon kay Apolinario, ni-relieve si Pagtalunan sa kaniyang pwesto sa utos ni National Capital Region Police (NCRPO) Director Oscar Albayalde.
Inilipat siya sa Camp Crame in Quezon City. Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Apolinario na inalis si Pagtalunan sa pwesto dahil nabigo siyang pigilan at lutasin ang paglaganap ng mga krimen sa kanyang lugar, gaya ng pagpatay at robbery-holdup. (Jean Fernando)