BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) – Maraming mga agricultural practices ng bansang Israel ang maaaring isagawa sa Nueva Vizcaya, ayon kay Vice Governor Lambert Galima, Jr..
Ayon kay Galima, kamangha-mangha ang mga teknolohiyang natunghayan at koseptong naipakita ng bansang Israel sa mga grupong bumisita kamakailan doon kung saan kasali siya dito.
Si Galima ay isa sa mga 27 na delegadong ipinadala ng bansa sa Israel upang matutunan ang mga kaugalian at isinasagawang gawain ng mga Israelis sa larangan ng agrikultura.
“Namangha ako sa aking nakita doon dahil bagama’t pawang disyerto ang Israel ay maayos nilang ipinapatupad ang kanilang agricultural development gamit ang mga bagong teknolohiya at kaalaman sa pagsasaka,” pahayag ni Galima.
Ayon pa sa bise gubernador, gagawa siya ng report upang mapag-aralan ang mga agricultural practices at teknologies na ipinapatupad ng Israel sa kanilang bansa.