Isang 23-taong gulang na lalaki ang inaresto dahil sa pagnanakaw ng P200 halaga ng chocholates sa isang supermarket sa Sta. Cruz, Manila, nitong Miyerkules ng gabi.
Nakakulong ngayon si Michael Abalos, residente ng Balot, Tondo, sa Blumentritt Police Community Precinct (PCP) at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa City Prosecutor’s Office.
Sinita siya ng isang security guard ng SM San Lazaro Department Store matapos niyang nakawin ang dalawang packs ng Fererro Roche at isang pack ng Hershey’s kisses.
Sinita siya ng guwardiya dakong 8:30 p.m. dahil wala siyang maipakitang resibo ng mga chocolate na isinilid niya sa isang pulang bag.
Agad namang umamin si Abalos na kinuha niya ang mga chocolate. Tahimik siyang sumuko sa mga awtoridad. (Analou De Vera)