After two years, balik-primetime teleserye si Alden Richards sa “Destined To Be Yours.” First-ever teleserye nila ito ni Maine Mendoza na ani Alden, feeling niya’y nakukulangan siya sa kanyang akting. “Napurol ako. Na-miss ko ang paggawa ng teleserye. May mga kaunting adjustments,” aniya.
More on excitement than pressure ang napi-feel naman ni Maine. May mga adjustment din siya dahil nasanay siya na walang script sa kalyeserye nila sa “Eat Bulaga.” Challenge sa kanya ‘yung sa bundok sila nagte-taping ng DTBY at ‘yung inaabot sila hanggang madaling-araw.
Aware si Maine na may mga pumipintas sa kanyang akting na aniya, pinagbubutihan naman niya. “Kahit ano’ng gawin ko, may mga sinasabi pa rin ang ibang tao,” she said.
Sa DTBY, Alden plays Benjie Rosales, isang happy-go-lucky architecture graduate. Maine plays Sinag Obispo, isang probinsiyanang radio jock.
Naiisip ba niyang si Alden ang destiny niya? “Hindi ako mapupunta sa showbiz kung hindi kami nagkakilala. Naiisip ko rin na pwede kaming magkatuluyan,” ani Maine.
“Just let it be na lang,” sabi naman ni Alden. “Enjoy na lang every moment na together kami.”
Balik-GMA
Balik-GMA si Janice de Belen at siya ang gumaganap na ina ni Maine Mendoza sa “Destined To Be Yours.” Siya si Sally Obispo, isang masayahin at modernong nanay na mahilig sa painting at psychic reading. Ipininta niya ang mukha ng lalaking magiging destiny ni Maine na kamukha ni Alden.
“It’s exciting to be back sa GMA,” ani Janice sa presscon. “Naku-cute-an ako kina Alden at Maine. Nakakakilig silang panoorin. I’m thankful to be able to work with them.”
Si Lotlot de Leon naman ang gumaganap na ina ni Alden. Siya si Amanda Rosales, isang mapagmahal na ina. All praises si Lotlot kay Alden na aniya, loving son on-and-off camera ang Kapuso actor.
Kuwento ni Lotlot, noong nagkasakit siya sa taping ng DTBY, ipinadama ni Alden ang care at malasakit nito sa kanya.
Pinainom siyang gamot at kita raw kay Alden ang labis na pag-aalala. “Isa siyang mabait at mabuting anak,” ani Lotlot.
Sa February 27 ang pilot telecast ng DTBY na mapapanood after “Encantadia” sa GMA Telebabad.