Simula sa susunod na linggo, 50 traffic volunteers na sinanay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang itatalaga sa daanan para sitahin ang mga motoristang lalabag sa traffic laws.
Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na ang traffic volunteers ay mula sa Civil Defense Action Group (CDAG) at Pureforce and Rescue Corporation (Pureforce).
“They will be deployed only on Fridays, Saturdays, Sundays, four hours each day,” pahayag ni Orbos, sabay sabing ang Quezon Avenue ang una nilang assignment.
Ayon sa kanya, may kabuuang 3,000 volunteers ang sasanayin sa loob ng isang taon para tulungan ang 2,300 traffic enforcers na nakatalaga sa buong metropolis. (Ana Liza Villas-Alavaren)