Kasado na ang “Walk for Life” na gaganapin sa Quirino Grandstand, Manila, at inaasahang dadaluhan ito ng libu-libong tao sa Sabado, Feb. 18.
Ito ay tugon sa panawagan ng mga miyembro ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga tao na dumalo sa prayer rally upang ipahiwatig ang kanilang pagsalungat sa extrajudicial killings at pagbabalik ng death penalty sa bansa.
“Let us fill our streets not with blood, not with dead bodies, but with prayer, with courage, to walk, to stand up for life,” pahayag ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, CBCP president sa isang video message.
“We cannot remain silent when extrajudicial killings rampage in our streets, when death penalties again being revived, and when the unborn remains unprotected,” ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco. (Leslie Ann G. Aquino)