ANTIPOLO, Rizal − Halos 36 kilo ng imported at iligal na karne ang nakumpiska ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) Task Force Bantay Karne at local meat inspectors sa isinagawang Post Abattoir Meat Inspection “Monitoring and Surveillance of Meat and Poultry” sa City Mall of Antipolo (CMA), New Antipolo Public Market (NAPM) at AGORA Market kamakailan.
Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, napakahalaga na matiyak na ligtas ang karneng ibinibenta sa mga palengke upang makaiwas sa anumang sakit ang mga mamimili kaya naman bilang aksyon, regular na nagsasagawa ng meat inspection sa mga palengke ang pamahalaang lokal.
Sa kasalukuyan, ipinagbabawal pa rin ang pag-aangkat ng chicken, ducks, eggs at poultry products mula sa South Korea, Netherland, Germany at France upang makaiwas sa pagkakaroon ng Bird Flu sa bansa.