Dalawang fully equipped dental vans ang iikot sa mga barangay at paaralan sa Manila upang magbigay ng libreng dental services ngayong National Oral Health Month.
Tinanggap kamakailan ni Manila Mayor Joseph E. Estrada ang mga dental vans na donated ng Department of Health sa pamahalaang lungsod at nagkakahalaga ng P6 million.
“This is the first time we have such equipment and the city government is grateful to have these mobile dental vans that can reach communities kung nasaan ‘yung mahihirap para hindi na sila mamamasahe,” ani Manila Health Department chief Dr. Benjamin Yson.
Nagsasagawa ang MHD ng special dental services kagaya ng oral prophylaxis at tooth extraction para sa mga city hall employees.
Iginiit ni Yson na ang ang mga dental services at mga gamot ay libre sa mga 59 community health centers sa lungsod. Idinagdag ni Yson na mas lalong lalawak ang kanilang mga dental services dahil sa mga dental vans.
“Our oral healthcare sa Manila is in a very good situation and scope. On the average, probably each health center can give dental services to about 20 patients a day, so that’s times 59 health centers.
Lalong dadami ang maseserbisyuhan natin dahil sa health vans,” sinabi ni Yson. (Jaimie Rose R. Aberia)