Patay ang isang lalaki pagkatapos himatayin sa harap ng kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes. Kinilala ni case investigator SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District Homicide Section ang biktima na si Roger Umpig, tinatayang nasa 45 hanggang 50-years-old.
Ayon kay Escarlan, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Vision St. nang bigla umano itong bumagsak sa kalye.
Lumapit ang mga kapitbahay sa biktima at napansing wala na itong malay. Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay.
Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. Dinala ang bagkay ni Umpig sa Cruz Funeral Parlor sa Manila. (Analou de Vera)