Inamin ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza na naniniwala siya sa “destiny”.
It was destiny raw na napunta siya sa “Eat Bulaga” para gumanap bilang Yaya Dub. Destiny rin daw ang dahilan na nakilala niya roon si Alden Richards at nagkaroon sila ng “Kalyeserye.”
Doon na nagsimula ang kanilang phenomenal rise to stardom pareho.
“Opo naman, naniniwala ako sa destiny kasi ito mismong nangyari sa akin, destiny talaga.
“Because of my role as Yaya Dub na nagda-Dubsmash lang, sino ang makakapagsabi na magki-click kami ni Alden Richards as a loveteam?
“So it’s destiny talaga na mapunta ako sa mundong ito sa tamang panahon kasama ang mga tamang taong tumulong sa akin para mabuo ang career na meron ako ngayon,” ngiti pa niya.
Aminado rin si Maine na ramdam niya ang pressure sa unang teleserye niya sa GMA-7 na “Destined To Be Yours.”
“Opo may pressure talaga. Pero ginawa namin ito ni Alden for our fans, AlDub Nation.
“Importante para sa amin na magustuhan nila ito.
“Iba naman naman po ang takbo ng story nito compared to ‘Kalyeserye’ at sa movie namin na ‘Imagine You And Me.’
“We can promise sa AlDub Nation at sa lahat ng mga Kapuso na hindi sila mabibigo kundi matutuwa sila sa panonood nila sa amin ni Alden.”
Happy naman din daw si Maine sa naibigay niyang pag-arte bilang si Sinag sa “Destined To Be Yours.”
“Nag-adjust talaga ako doing drama scenes. Mas nakilala ako bilang komedyante kasi.
“Pero malaking tulong ang director namin na si Irene Villamor. Tapos ‘yung mga senior stars pa na kasama sa teleserye ay malaking tulong sa akin.
“Tsaka si Alden mismo nagbibigay ng tips about acting. Maging kumportable lang daw ako sa set at huwag magpapa-distract sa mga nangyayari sa paligid. Natural daw na lalabas ang character ko.” (RUEL J. MENDOZA)