Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga organizers ng mga malalaking pagtitipon sa metropolis na isama ang ahensiya sa pagpapatupad ng traffic management plans.
Ginawa ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos ang panawagan dahil laging ang ang ahensiya ang nasisisi kapag naipit sa trapiko ang mga motorista dahil sa mga event tulad ng fun runs, rallies, at concerts.
“We just want them to, at least now, inform us so that we can help manage traffic,” sabi ni Orbos. Dahil dito, kailangan na ng mga organizers at establishments na ipagbigay sa MMDA ang schedules ng malakihang pagtitipon sa Metro Manila para sa traffic management at coordination.
Sa ganitong paraan, ayon kay Orbos, makakapagtalaga ang ahensiya ng kinakailangang bilang ng traffic personnel sa mga lugar na maaapektuhan ng events.
“Organizers and establishments of such events must submit to us their comprehensive traffic management plan at least one week in advance for proper coordination and information dissemination so as not to cause too much public inconvenience,” sabi ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)