Patay ang isang laborer nang mabangga ng isang 10-wheeler truck ang minamaneho niyang motorsiklo noong Sabado ng gabi sa Parañaque City.
Dead on the spot ang biktimang si Marvie Alvarez, trabahador ng D.M. Consunji, Inc., dahil sa matinking pinsala sa katawan.
Naganap ang insidente dakong 11 p.m. sa West Service Road ng Barangay San Marcelo, Parañaque City. Base sa police report, nabangga ang motorsiklong sinasakyan ni Alvarez ng paparating na truck nang tangkain niyang i-overtake ang isang L-300 van.
Sinabi ng 10-wheeler truck driver na si Roel Melcede na nawalan siya ng control kung kaya’t nabangga niya ang motorsiklo ng biktima.
Sumuko si Melcede sa police at ngayo’y nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
(Jean Fernando)