Bawal na ang paninigarilyo sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) headquarters sa Taguig City at sa mga training centers nito sa buong bansa.
Base sa three-page TESDA Circular Number 06 series of 2017 na nilagdaan ni Director General Guiling “Gene” Mamondiong, ang lahat ng officials, employees, students at bisita ay hindi pinapayagang manigarilyo sa loob ng ahensiya at lahat ng training centers nito.
“The implementation of these guidelines shall cover officials and rank-and-file employees of the Central, Regional, Provincial Offices and the TESDA Training Institutions (RTC/PTRC and the Schools) holding plantilla positions, including personnel on Job Order basis.
Visitors and guests shall likewise be covered by this policy,” ayon sa TESDA circular. Magtatalaga ang ahensiya ng smoking areas para mga empleyado at bisita. (Martin A. Sadongdong)