Naglagay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong administrative desk sa main office nito sa Manila para ma-monitor mabuti ang mga isyu tungkol sa overseas Filipino workers (OFW).
Inilabas ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang bagong administrative order noong nakaraang linggo na nag-uutos sa International Labor Affairs Bureau (ILAB) na maglagay ng Assistance to Migrants and their Families Desk (AMD).
Sinabi niya na tutulungan ng AMD na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga OFWs at ang kani-kanilang pamilya.
“As long as there are Filipino workers overseas, it is our responsibility to protect them. That is why part of our agenda is the continuous strengthening of protection and security of our OFWs,” sabi ni Bello.
Ayon sa kaniya, kasama sa mga isyu na kailangang i-report ng AMD ay ang bilang ng mga nagkaroon at nawalan ng trabaho, labor market information; labor at welfare cases; at ang pagbabalik at proteksiyon ng OFWs.
(Samuel P. Medenilla)