May communication pa rin sina Kylie Padilla at Mikee Quintos kahit wala na ang karakter ni Kylie bilang Amihan sa “Encantadia.” Mag-ina ang roles nila na ayon kay Mikee, nami-miss niya sa taping si Kylie.
Sobra siyang nag-alala sa kalagayan ni Kylie noong nagte-taping pa ito kahit buntis na. Parang wala lang kay Kylie ang matitinding action scenes.
Ngayong bakasyon muna sa trabaho si Kylie, nagtatawagan pa rin sila ni Mikee. Nagkukumustahan. Nag-offer pa si Mikee na mag-aayos siya ng baby shower para kay Kylie kasama ang co-stars nila sa “Encantadia.” Ikinatuwa naman ‘yun ni Kylie na kilig-kiligan pa siya.
Request
May request ang GabRu fans na sana raw ay manumbalik ang pagmamahalan nina Ybarro/Ybrahim (Ruru Madrid) at Alena (Gabbi Garcia) sa “Encantadia.” Wala na kasi ang karakter ni Kylie Padilla (bilang Amihan).
Natuwa naman ang GabRu fans sa paglabas ng GMA Network Playlist ng kantang “Sa Iyo Lang Ang Puso Ko,” theme song ng “Naku, Boss Ko!” political satire na pinagsamahan nina Ruru at Gabbi. Ipinalabas ito bago ang 2016 May elections.
Samantala, si Winwyn Marquez na gumaganap bilang Helgad sa “Encantadia” na kumupkop kay Deshna/Luna (Inah de Belen) ay mukhang engaged na kay Mark Herras. May tsikang diumano’y nag-propose na ng kasal ang huli noong nag-Valentine’s Day sila sa Japan.
Maldita
Maldita at palabang kapatid ni Janine Gutierrez (as Grace) ang role ni Lauren Young (as Charie) sa “Legally Blind.”
Kahit boyfriend na ni Grace si Joel (Rodjun Cruz) ay “nilalandi” pa rin ito ni Charie. Carry kaya ni Lauren ‘yun in real life? Kapatidni Lauren si Megan Young na girlfriend ni Mikael Daez. Magkatrabaho sa “Legally Blind” sina Lauren at Mikael.
Malabong mangyari ‘yun, ani Lauren. Sobrang close sila ni Megan na kadalasang siya pa ang nagbibigay ng payo kay Megan. Joke ng huli, hindi siya sigurado kung sino sa kanila ang ate.
Malabong “landiin” ni Lauren si Mikael kahit pang-camera lang. Bago nila tanggapin ang “Legally Blind,” kapuwa nila ni-request sa management na wala silang kissing scene.
Nagsimula na kahapon ang “Legally Blind” after “Ika-6 Na Utos” sa GMA Afternoon Prime.