Congratulations sa mag-asawang Trevor Magallanes at Rufa Mae Quinto-Magallanes dahil isinilang na ang baby girl nila na si Alexandria Athena noong February 17.
Sa St. Luke’s Medical Center-Global City in Taguig City nanganak si Rufa Mae.
Pagkatapos raw nitong iluwal ang baby nila ni Trevor, agad nilang ipinamalita sa kanilang social media accounts ang kanilang kasiyahan bilang mga parents.
May mensahe agad si Trevor sa unang baby nila ni Rufa Mae:
“I’m not going to lie, I feel a little dizzy after seeing you come to life. Mabuhay anak, welcome to what is known as life. Enjoy it and I hope u live by your mother’s famous words ‘todo na to!’”
Inamin din ni Trevor na “love at first sight” ang naramdaman niya noong una niyang masilayan ang baby girl nila ng kanyang actress-wife.
Noong November 25, 2016 kinasal sila Trevor at Rufa Mae. Ilang buwan nang buntis si Rufa Mae noong mag-exchange sila ng “I Do”.
Isang linggo bago ipanganak ni Rufa Mae si Baby Alexandria, naganap ang isang baby shower na dinaluhan ng mga close friends and family nina Trevor at Rufa Mae. (RUEL J. MENDOZA)