Tiniyak kagabi ng Bestlink College ang kanilang pagaasikaso at pagbibigay ayuda sa mga pamilya ng mga biktima.
Ito ay sa kabila ng hindi pagsipot sa nakatakda sanang dialogue sa pagitan ng Bestlink College officials at mga magulang ng mga nasawi.
“We are still contacting our insurance company, we have yet to know the insurance coverage. I cannot give yet the exact amount but we still be giving them financial assistance, that’s what we could commit,” ani Zanny Samsona, coordinator ng Bestlink College.
Isa si Samsona sa iilang opisyal ng Bestlink na humaharap sa mga magulang ng mga biktima sa isang dialogue na inayos ni Quezon City Rep. Alfred Vargas.
“We’re very, very disappointed although we know nobody wanted for the accident to happen. But I hoped that all involved parties should show concern to the families,” ani Vargas. (Vanne Elaine P. Terrazola)