May effort na ring sumabay ang government-ownned na PTV-4 sa mga naglalakihang TV networks ngayon.
Marami na raw silang binago para sa new look ng PTV-4, kasama na rito ang kanilang logo at ang mga high-tech graphics na isang must-see sa isang gusto ulit na magparamdam na TV network.
Kasabay ng pagbabago sa kanilang hitsura ay mas bibigyan daw nila ng focus ay ang kanilang news department.
Ayon pa sa PTV-4 General Manager na si Mr. Dino Apolonio, they are doing their best na kahit paano ay mabigyang-pansin ang kanilang TV programs.
“For this quarter, we’ve changed a lot especially with our logos and graphics. Mayroon na rin kaming dalawang digital satellite news gathering vehicles.
“But what we want to really put our concentration on is our news department.
“We are aiming for credible news anchors.
“Mahirap nang kunin ang mga kilalang news anchors ngayon. Mataas na ang mga bayad ng mga ‘yan.
“We can only afford to develop a future news anchor.
Para sa mga fans ng mga Koreanovela, meron na ring aabangan sa PTV-4 at ito ay ang Korean drama na The Legendary Doctor.
Nagsimula na ito noong nakaraang February 18 at mapapanood ito every Saturday and Sunday.
Pinalabas sa South Korean television ang The Legendary Doctor sa original na title nito na Hur Jun na pinagbidahan ni Jun Kwang-ryul.
Umere ang naturang period drama sa MBC from 1999 to 2000 to a record-breaking viewership rating of 64%. Naging big hit din ito sa Hong Kong, Taiwan at Thailand. (RUEL J. MENDOZA)