Hindi nao-offend si Lotlot de Leon kapag may mga nagsasabing mas magaling umarte at mas maganda kesa sa kanya ang anak niyang si Janine Gutierrez. Proud mama pa nga siya.
Si Ricky Davao na direktor ni Janine sa “Legally Blind” ay nagsabing better actress siya than her mom. Ex-bilas ni Ricky si Lotlot na ex-wife ng ex-brother-in-law niyang si Ramon Christopher. Ex-wife ni Ricky ang sister ni Monching na si Jackielou Blanco.
Si Ricky ang gumanap na tatay ni Janine sa “Legally Blind.” Mamamatay na ang karakter niya (Manuel) sa episode today.
Sisisihin ni Charie (Lauren Young) si Grace (Janine). Kahit bulag, matatanggap si Grace sa trabaho.
By the way, nominated si Janine sa Nickelodeon Kids Choice Awards Toyrun 2017 bilang Favorite Pinoy Star. Co-nominees niya sina Liza Soberano, Nadine Lustre at Janella Salvador. Sa March 13 ang last day ng botohan.
First time
Ang OPM Sweetheart na si Janella Salvador ay magkakaroon ng first digital concert on March 5. Thanks to One Music PH.
Magkakasama naman for the first time sa isang concert on March 31 sa SM Mall of Asia Arena ang ASAP Birit Queens na sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman at Jona.
Wala pa ring label
Wala pa ring label ang relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Exclusively dating sila na ani Gerald, sasabihin naman nila kapag officially together na sila.
By the way, si Gerald ang Philippine representative sa Los Angeles Marathon on March 19. Isama kaya niya si Bea?
Gusto nang magka-baby
Gusto ng Argentinian husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico na magka-baby na sila. Boy ang gusto nitong maging panganay nila ni Solenn. Magwa-one year na silang kasal sa May this year.
Ang gusto ni Solenn, next year or two years after pa siya magbubuntis. Anang “Encantadia” star, hindi pa siya handang maging ina dahil marami pa siyang commitments.
Samantala, bumalik na sa dating Cassiopeia ang karakter ni Solenn sa “Encantadia.” Kakampi na siya muli ng mga sang’gre. Nakawala na sa katawan niya ang espiritu ni Avria na kalaban ng mga sang’gre.