Mas madalas na nagaganap sa gabi ang extortion activities ng ilang traffic enforcers, at karaniwang nabibiktima ay ang mga truck drivers, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) head.
Ito ang nagtulak kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos para bawasan ang bilang ng traffic enforcers na nakatalaga sa mga daanan ng truck sa gabi, mula 10 p.m. hanggang 5 a.m.
“We receive so many complaints that traffic enforcers just standing up, hiding in the dark as they wait for would-be victims,” sabi ni Orbos.
Ang mga lugar na babawasan ng bilang nakatalagang traffic enforcers ay Mindanao Avenue, C5 Road, Radial Road 10 or R 10, etc.
Simula Huwebes, 350 na lamang, sa halip na 700, ang itatalagang nighttime traffic enforcers kasama ang skeletal force sa critical areas, ayon kay Orbos.
“Some will be dispatched as roving traffic enforcer while remaining enforcers will augment traffic enforcers deployed during day time,” dagdag pa niya. (Ana Liza Villas-Alavaren)