ODIONGAN, Romblon (PIA) – Isang panukala ang inihain ni Provincial Board member Felix Ylagan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Romblon na layuning palakasin o pag-ibayuhin ang relasyon ng publiko at pribado sa pagsasaayos ng kalakalan ng lalawigan.
Sinabi ni Ylagan na kung ang pamahalaang nasyunal ay may public private partnership (PPP) na nagsimula pa ng nakaraang administrasyon at patuloy itong isinusulong ng Duterte Administration kaya marapat lamang na magkaroon ito ng lokal na version.
Batay aniya sa kanyang regular na pagiikot sa mga munisipyong sakop ng lalawigan, nakita niya ang mga proyekto at programa na dapat unahin na makatutulong sa publiko.
“Sa isang consultation meeting na aking dinaluhan ay marami ang nagmungkahi na magtayo ng jetty port sa Bgy. Sablayan sa bayan ng Romblon at Bgy. Agtiwa sa bayan ng San Fernando o Bgy. Agutay sa bayan ng Magdiwang para mas mabilis ang paglalayag mula sa kabisera ng Romblon patungo sa isla ng Sibuyan at vice versa,” ani Ylagan.