CABANATUAN (PIA) – Idinaos kamakailan ng Nueva Ecija Consumer Affairs Council Advocacy and Association o NECAAA ang kauna-unahang Ginang Palengke sa lalawigan.
Ayon kay NECAAA Chairman Flozerfida Custodio, layunin nitong maakay ang mga kababayang maging aktibo sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa mga karapatan ng mamimili’t negosyante partikular ang mga nasa lokalidad na wala pang nakatatag na CAC o Consumer Affairs Council.
Kabilang aniya sa mga munisipyo’t lungsod na mayroon nang CAC ay ang Bongabon, Talavera, Rizal, Jaen, Cuyapo, Gabaldon at Cabanatuan na mayroong kani-kaniyang representante sa nasabing patimpalak na inorganisa ng grupo.