Suplado raw pala ang isang young actor (YA), ayon sa aming source. Gusto raw sana nilang magpa-picture taking sa YA noong nag-taping ito ng teleserye sa kanilang lugar.
Hindi pa naman daw kasi kinukunan ang eksena ng YA. Pero dinedma lang daw sila, kaya sinabihan nila ito ng, “Suplado!”
Hindi kaya pagod lang, puyat o masama ang pakiramdam ng YA, kaya wala ito sa mood makipag-picture-taking sa fans? O, nagko-concentrate lang ito sa eksenang kukunan sa kanya?
Pero hindi naman aabutin ng mahabang oras ang pagpapa-picture-taking. Ano ba naman ‘yung pagbigyan ng YA ang fans?
Kaligayahan nila ang makakita at makapagpakuha ng picture sa mga artista.
Excited
Excited na si Juancho Trivino sa “Destined To Be Yours” na magsisimula ngayong Lunes after “Encantadia” sa GMA Telebabad. He plays Badong, childhood best friend ni Maine Mendoza (as Sinag) na secretly in love with her.
“Excited na ako i-present sa televiewers ang magiging tono o timpla ng serye. Exciting dahil it’s light lang. Hindi masyadong heavy panoorin. Masaya siya,” ani Juancho.
Aniya pa, sana’y huwag siya ma-bash ng fans nina Maine at Alden Richards. Sa serye lang daw siya may lihim na pagtingin kay Maine. In real life, masaya si Juancho sa kanyang non-showbiz girlfriend.
Thankful
Mainit na tinanggap ng “Encantadia” viewers ang pagpasok ng karakter ni Eula Valdes bilang Avria. Anila, isa na naming magaling na kontrabida ang makakalaban ng mga sang’gre.
Masaya sila namaraming sorpresa ang programa dahil isa raw itong simbolo na matagal-tagal pa ang takbo ng istorya ng iconic telefantasya.
Thankful naman si Eula sa magandang feedback sa pagpasok ng kanyang karakter sa “Encantadia.” Dream come true dahil gusto niya talagang mag-aksiyun-aksiyunan na naka-costume na may kulut-kulutan at mahabang hair.
Noong nalaman niyang magte-training siya para sa fight scenes ay na-excite siya. Sa bahay pa lang nila’y nag-training na siya dahil may sword sila.
Kasado na
Kasado na ang reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga under Star Cinema. Nag-story conference na at si Joyce Bernal ang direktor.
“Starting Over Again” ang huling pelikulang pinagtambalan nina Piolo at Toni in 2013. Gagawa sana sila ng teleserye in 2015 kung hindi nabuntis si Toni.