Kahit na wala raw boyfriend ang Kapuso actress na si Sheena Halili, puwede pa rin daw siyang magbigay ng advice tungkol sa pag-ibig.
Dumaan naman sa ilang relasyon si Sheena na bagama’t hindi nag-succeed, maraming aral na nabigay sa kanya ang mga ito.
“Feeling ko ‘yung masasabi ko na love ‘yung talagang naging better person ako, ‘yung parang naging pa-housewife ‘yung peg ko.
“Nag-aral ako magluto, gusto ko laging maayos ‘yung bahay ‘pag pupunta siya, super talagang pa-impress.
“Kailangan sa love, nagfo-forgive ka talaga, hindi lahat ng ine-expect mo ay mangyayari so kailangan mag-adjust ka talaga.
“Pag-dating sa love, ‘wag kayo magmadali. Kasi ako, matagal na akong single pero masasabi ko na mas nakilala ko ‘yung sarili ko.
“Well, congratulations kung nahanap niyo na ‘yung “love” ninyo pero mas i-a-advice ko sa kanila na i-enjoy muna nila at gawin muna ang lahat ng gusto nilang gawin, kasi ‘pag nandoon ka na, hindi na lang ikaw ‘yon,” ngiti pa ni Sheena Halili na gaganap na best friend ni Maine Mendoza sa GMA-7 teleserye na Destined To Be Yours.
Bago naging busy si Sheena Halili sa taping ng Destined To Be Yours, may ginawa itong travel vlog ng kanyang pagpunta sa Bali, Indonesia.
Mapapanood sa vlog ang pagpunta niya sa isang outreach program sa Bali Children Foundation.
Matagal nang binabanggit ni Sheena na gusto niyang mapasama sa ilang outreach programs na may kinalaman sa mga bata.
Kaya hindi raw niya pinalampas ang pagkakataong ito na makatulong at makapagbakasyon.
Makikita rin sa vlog ni Sheena ang pagsuot niya ng traditional Balinese costume at ang pakikipaglaro niya sa mga bata.
Nandoon din ang pagpunta niya sa Lombok beach at ang pagpapakain niya sa mga unggoy.
Nagagawa raw ito ni Sheena dahil single daw siya at hindi niya intindihin ang lovelife ngayon. (Ruel J. Mendoza)