Isang AWOL (absence without leave) na miyembro ng Manila Police District ang binaril at napatay ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa labas ng kaniyang bahay sa Tondo noong Linggo.
Kinilala ng police ang biktima na si Police Officer 1 Joselito Sumacaton na nag-AWOL noong isang taon matapos na tumangging ma-assign sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Nakatira siya sa 1804 F. Varona Street.
Base sa initial investigation, lumabas ng bahay si Sumacaton kasama ang kaniyang asawang si Rose Marie para kumain sa street food dakong 6:10 p.m. nang bigla siyang barilin sa ulo ng dalawang salarin na nakasakay sa black scooter na walang plaka.
Dead on arrival ang biktima sa Mary Johnston Hospital. (Jaimie Rose R. Aberia)