ROMBLON, Romblon (PIA) – Nabawasan ang bilang ng mga Romblomanon na naghihirap ayon sa huling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Base sa nakuhang datos ng PSA, bumaba sa 28.1 bahagdan ang mga naghihirap na taga-Romblon noong 2015 na hindi hamak na mas kaunti kumpara sa 30.4 porsiyento na naitala noong 2012 o may 7.6 porsiyentong kabawasan sa nagdaang tatlong taon.
Ayon kay Lino P. Faminialagao, provincial statistics Officer ng PSA – Romblon, nalampasan ng bilang na ito ang target na itinakda ng pamahalaan para sa taong 2015.
Aniya, alinsunod sa datos na nakalap ng Philippines Statistics Authority (PSA) – Romblon, dalawa sa bawat isandaang pamilya noong 2012 hanggang 2015 ay hindi na maibibilang na mahirap.
Marahil aniya ay resulta ito ng pagpapatupad sa mga Anti-Poverty Program ng gobyerno partikular ang 4P’s o Pantawid Pamilya Program.