Isang pinaniniwalaang “salvage” victim ang natagpuan sa isang subdivision sa Quezon City noong Lunes ng gabi. Nakita ang bangkay ng lalaki na nakabalot ng packaging tape ang ulo sa Belos Street sa Fairmont Subdivision, Barangay North Fairview, dakong 11 p.m.
Sinabi ng security guards sa police na nagro-roving sila sa palibot ng subdivision nang matagpuan nila ang bangkay ng biktima.
Inilarawan ng police ang biktima na nasa pagitan ng 25 at 30 ang edad, 5’3” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, at maputi.
Nakasuot siya ng long-sleeved shirt na may blue, white, at red stripes; at brown cargo shorts. May hiwa sa mukha ang biktima.
Walang nakitang identification cards sa bangkay ng biktima, ayon sa police. (Vanne Elaine P. Terrazola)