KORONADAL, South Cotabato (PIA) – Kahit sa mga subdivision na makikitid ang lote, maari pa ring magtanim ng maraming klaseng gulay.
Ito ang binigyang-diin ni Veronica Daut, city nutrition officer ng Lungsod ng Koronadal sa isang panayam.
Ani Daut, kung kulang ang espasyo sa bakuran, maaring magtayo ng hanging vegetable garden o gumamit ng mga flower pot, sako, cellophane at katulad na mga paglagyan para makapagtanim ng sari-saring gulay.
Sa ganitong pamamaraan masisiguro ng pamilya ang pagkukunan ng masustansiyang gulay sa kabila ng limitadong lugar na kalimitang suliranin sa mga lugar sa lungsod kung saan hindi karaniwan ang malalawak na pagtamnan.