Kinailangang magbawas ng trabaho sa TV ang Kapuso actor na si Juancho Trivino dahil sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na “Destined To Be Yours.”
Gaganap si Juancho bilang si Badong, ang kababatang character ni Maine Mendoza na si Sinag.
Regular din napapanood si Juancho sa gag show na “Bubble Gang” at sa morning show na “Unang Hirit.”
Dahil sa teleserye, mawawala muna siya sa isang show.
“Three times a week po kasi ang schedules for taping ng “Destined To Be Yours.” Kaya sa “Unang Hirit” po ako mawawala for the meantime.
“Okey lang po ‘yung “Bubble Gang” kasi once a week lang naman ang taping namin doon. Unang Hirit po is everyday at parati po akong nasa location. Kailangan din po na maaga kaming nasa location.
“Hindi ko po kayang ipagsabay ang teleserye at ‘yung morning show.
“This happened before noong gawin ko po ‘yung “Magkaibang Mundo” last year.
“Inuumaga po kami sa taping tapos kailangan kong pumunta sa set ng “Unang Hirit.” Medyo nahirapan po ako talaga.
“Kaya nawala muna ako sa “Unang Hirit” para mag-concentrate sa teleserye,” pahayag pa ni Juancho.
Kahit na bumalik sa supporting role si Juancho after niyang magbida, walang issue sa kanya.
“Every role is a blessing for me.
“And siyempre po kasama ako dito sa unang primetime teleserye ng AlDub.
“It’s like everyone I know wants to be part of this teleserye. Sino ba naman ang aayaw, ‘di ba, e AlDub ito?
“Marami pa rin naman talagang nag-congrats sa akin kahit na nag-lead na ako and I got this role.
“And maraming salamat sa mga nagpa-trend sa teleserye namin noong mag-world premiere kami noong February 27. Grabe po ang feedback sa social media at abangan pa ninyo ang mga mangyayari pa,” pagtapos pa niya. (Ruel J. Mendoza)