Hindi ako marunong. Hindi ko expertise ‘yan.
Marami sa ating gustong sumubok mag-negosyo pero napipigilan ng mga linyang yan na naglalaro sa ating mga isipan.
Pero kahit medyo challenging mag-umpisa ng isang negosyo, hindi ito impossible. Marami na ang nagtagumpay dito.
Most of them mga nagsimula na wala ring alam. Pero nasaan na sila ngayon? Tignan mo naman kung ano na ang tinatamasa nila ngayon?
Kaya kung napanghihinaan ka ng loob at nag-aalinlangan, huwag. Mayroong paraan at mayroong pag-asa at solusyon.
Here are some tips I would like to share with you:
INVEST IN LEARNING
Kung may opportunity, huwag mong palalampasin ang mga workshops, seminars, conferences, conventions, short classes, at kung ano-ano pang events na makakadagdag sa iyong kaalaman.
Huwag manghinayang gumastos sa mga ganitong bagay dahil siguradong malaki ang pakinabang at balik nito sa iyo lalo na kung talagang gagamitin mo ang mga natutunan at pinag-aralan mo. The good thing about education is that it’s something nobody can take away from you.
TRIAL AND ERROR
Hindi masamang sumubok at lalong hindi masamang pumalpak. Ang mahalaga ay ang matuto ka at madagdagan ang mga kaalaman through your experiences.
Kung sinubukan mo at di umubra, sumubok ka lang ulit tapos baguhin mo lang ang dapat baguhin. Along the way, hindi ka lang basta gagaling at matututo, mag-iimprove ka rin as a person.
BE MENTORED
Napakahalaga na merong gumagabay sa iyo. Someone who can coach you and impart his or her knowledge to you. Look for someone na magaling at sa tingin mo makakatulong sayo and ask him/her to be your coach or mentor.
THINK. REFLECT. APPLY
Ano na ang mga ginawa mo para matuto at magkaroon ng karagdagang kaalaman? How often do you read? Do you have a mentor or coach?
LEARN BEFORE YOU INVEST. (Chinkee Tan)