Pinaputukan ng baril ng mga di kilalang kalaakihan ang dalawang security guards sa compound ng Iglesia ni Cristo (INC) sa No. 36, Tandang Sora, Quezon City, noong Lunes, ayon sa police.
Base sa report ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), pinaputukan ng gunmen ang mga security guard na sina Ardine Marcoso, 25, and Jervie Rejano, 24, dakong 2:45 p.m..
Sinabi ng police na nagtamo lamang ng gasgas sa braso si Marcoso. Hindi naman nasakatan si Rejano. Kwento ng kasamahang guards na sina Robertben Calderon at Frederick Domingo na nasa magkahiwalay na outpost sa loob ng compound sina Marcoso at Rejano nang paputukan sila ng baril at tinamaan ang kanilang stations.
Napilitan silang magtago habang itinatawag nila ang insidente sa police. Hindi naka-recover ang police ng anumang bala sa crime scene na maaaring makatulong para makilala ang mga bumaril. (Vanne Elaine Terrazola)