Dalawang pulis na naka-assign sa traffic division ng Pasig City Police ang inaresto noong Huwebes ng gabi ng mga operatiba ng Philippine National Police-Counter Intelligence Group (PNP-CITF) dahil sa extortion.
Kinilala ni CITF chief Senior Supt. Jose Chiquito Malayo ang mga suspek na sina Senior Police Officer 1 Johan Vega at Police Officer 3 Higino Dancel, kapuwa nakatalaga sa Vehicle Traffic Investigation Unit ng Pasig City Police Station.
Humingi umano ang dalawa ng pera sa isang complainant kapalit ng traffic investigation report. (Francis T. Wakefield)