Nahadlangan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok sa bansa ng isang South Korean na wanted sa Seoul dahil umano sa pagkakasangkot sa operation ng multi-million dollar illegal online gaming racket sa Cambodia ilang taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na inilagay ang 56-taong gulang na si Jurng Wook Yi sa listahan ng undesirable aliens matapos niyang tangkaing pumasok sa bansa via Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni Morente na na-intercept ng immigration officers sa NAIA 2 terminal ang Korean noong Feb. 11 at agad na pinabalik sa kaniyang bansa nang dumating siya sakay ng Philippine Airlines flight mula sa Incheon.
“He was refused entry after it was found that he was the subject of a red notice from the Interpol due to a criminal case that was filed against him in Korea,” pahayag ng BI chief. (Jun Ramirez)