SIYAM na pelikulang Pinoy, na pawang independently-produced, ang napiling lumahok sa Osaka Asian Film Festival 2017 na kasalukuyang ginaganap (March 3-12) sa Osaka, Japan.
Tatlo rito ang pasok sa inaabangang main competition section – ang “Bliss” ni Direk Jerrold Tarog (world premiere) mula sa TBA Studios at tampok sina Iza Calzado, Ian Veneracion, at TJ Trinidad; ang “Kita-Kita” ni Direk Sigrid Andrea Bernardo mula sa Spring Films nina Piolo Pascual (bida sina Alessandra de Rossi at Empoy); at ang “Tisay” ni Borgy Torre with Nathalie Hart and JC de Vera.
Makikipag-kumpitensiya ang tatlong Pinoy indies sa 13 Asian films para sa Grand Prix and Most Promising Talent awards.
Ang “Apocalypse Child” ni Direk Mario Cornejo ay kasali sa In & Out of Work: Looking at Asia through the Prism of Employment Special Program.
Sa special section kunsaan “new movements in film” ang isho-showcase, pasok ang mga pelikulang “Baka Bukas” ni Samantha Lee (starring Jasmine Curtis Smith and Louise delos Reyes), ang “Birdshot” ni Mikail Red (ng baguhang si Mary Joy Apostol at Arnold Reyes), ang “Patintero” ni Direk Mihk Vergara (tampok ang ilang child actors), ang “Singing In Graveyards” ni Bradley Liew (starring Pepe Smith), at ang “Saving Sally” ni Avid Liongoren (starring Rhian Ramos).
Very proud sa balitang ito si Liza Diño-Seguerra, Chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sabi niya: “As more of our own are featured in international festivals, they bring with them the unique voice and artistic culture of our country.
Mag-i-sponsor rin ang FDCP ng “Philippine Night” sa nasabing festival sa Japan. (Mell T. Navarro)