Bilang pagsuporta sa overseas Filipino workers (OFWs), pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar ang pagbibigay sa kanila ng financial literacy training para magabayan silang makapagpatayo ng sariling maliit na negosyo at maituro sa kanila ang kahalagahan ng pag-iinvest ng kanilang pera at malaman kung paano ma-detect ang investment scams.
Dagdag pa niya na dapat alam ng overseas workers kung paano palalaguin ang mga naipong pera para masiguro ang magandang kinabukasan ng kani-kanilang pamilya.
“They worked hard and sacrificed their time with their families so they will have a bright tomorrow. It will be disheartening, and more so frustrating, if they do not use their savings wisely,” sabi ni Villar na kilalang tagapasulong ng kapakanan at proteksiyon ng OFWs.
Sa isinagawang seminar noong Martes, nakinig ang mga OFWs kina Ronnie Billones, Joy Sanchez at Nolan Ray Lazaro ng The Global Filipino Investors (TGFI) sa pagtalakay ng budgeting, mga hakbang sa pagpapalago ng pera, at personal finance planning. (Elena L. Aben)