Inamin ni Gab Valenciano na nasa proseso na sila ng ex-wife niyang si Tricia Centenera sa pag-aayos ng kanilang divorce. Ikinasal sila sa US noong October 2014 at nagkaroon ng dalawang hiwalay na seremonya sa Pilipinas noong 2015. Pero nauwi nga ito sa hiwalayan.
“That I would much rather answer when it is clear, but definitely we are trying to resolve that at the moment, which is to legalize the separation. All the details are in process already, and I think it will happen within the next month,” sabi ni Gab.
Ang maganda raw sa kanila ngayon ni Tricia ay nag-uusap sila at hindi sila nag-aaway. So, paano niya ide-describe ang relasyon nila ngayon? “We are not the best of friends yet. But we are going towards a good friendship. At the end of the day may pinagsamahan kami, minahal ko rin siya. So, it’s unfair for the both of us to throw away what could be a good friendship.”
Bukod sa pagharap sa divorce nila ng ex-wife niya, hinaharap din ngayon ni Gab ang pagbabalik niya sa showbiz matapos ang paglabas niya noon ng hinanakit sa industriya at sa mga tao. Isa si Gab sa walong Kapamilya celebrities na magpapagalingan upang makuha ang titulong Greatest Entertainer sa bagong talent reality show ng ABS-CBN, ang “I Can Do That.” Kasali rin dito sina Cristine Reyes, Arci Muñoz, Pokwang, Sue Ramirez, Daniel Matsunaga, JC Santos, at Wacky Kiray.
“Actually, hindi ko naman talaga planong bumalik ng showbiz. Pero iyon nga just like any family nagkakaaway-away iyan. May tampuhan, minsan may misunderstanding, but at the end of the day pamilya kayo. And that’s how I see ABS-CBN. You know I grew up here, so ABS-CBN has always that soft spot in my heart. Actually, dati sabi ng mom ko, ‘Gab, you wanna check out this new thing?’ ‘No Mom, ayoko, last year ayoko talaga.’ Pero itong ‘I Can Do That,’ sabi ko sige pakinggan ko. I don’t even know what it was. Nung makita ko ’yung buong concept doon ko na-realize, okay game ako dito, I can do that. Papaghirapan ko talaga ito.”
Hosted by Robi Domingo and Alex Gonzaga, ang “I Can Do That” ay mapapanood tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN simula sa March 11 at 12. (GLEN P. SIBONGA)