By EMILY G. BUGARIN
Tiniyak ng scientists at health experts na ligtas ang dengue vaccine na libreng ibinigay ng Department of Health (DoH) sa halos 500,000 public school students na nasa edad siyam pataas sa National Capital Region Southern Luzon at Central Luzon, mga lugar kung saan naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue.
Sinabi ni Lulu Bravo, professor ng Pediatric Infectious and Tropical Diseases ng UP-Manila College of Medicine, na dapat ipagmalaki ang Pilipinas bilang kauna-unahang bansa sa buong mundo na nagsagawa ng school-based mass immunization laban sa dengue gamit ang Dengvaxia, ang kauna-unahang vaccine laban sa sakit na ito.
Ayon sa kanya, sa 489,000 students na binigyan ng libreng bakuna laban sa dengue noong April 2016, wala pa silang nakikitang “safety signal” o masamang epekto sa kalusugan ng naturang gamot.
Sa ngayon, aniya, patapos na ang pagbibigay ng ikalawang dosage ng bakuna at sisimulan nang iturok ang pangatlong shot sa darating na buwan ng Abril.
Sinabi ni Bravo na hindi tutuo ang paratang ng isang mambabatas kamakailan na ginawang “guinea pigs” ang mga Pilipino sa isinagawang mass immunization dahil parang minadali ng gobyerno ang paglulusand ng programang ito na pinondohan ng R3.5 billion ng nakaraang administrasyon.
Ipinaliwanang ni Bravo na dumaan sa masusi at napakahabang pag-aaral ng mga scientist ang dengue vaccine bago ito inapruhan ng Food and Drugs Administration (FDA) noong 2015.
Ang dengue ay isang viral disease na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti.
“One thing is sure – we have evidence to prove that it is safe. Whether the vaccine has shown efficacy, there is no perfect efficacy yet. There is no vaccine that can give you 100-percent efficacy,” pahayag ni Bravo sa press conference para 2nd Asia Dengue Summit na ginanap sa Manila noong March 1-2.
Isa sa pinagtuunan ng pansin ng mga dumalo sa summit ay ang anti-dengue program ng Pilipinas, kasama na ang mass immunization, na maaari nilang gayahin para labanan ang dengue sa kani-kanilang bansa.
“At the summit, we will share our first-hand experience over the last one year which shows that vaccine introduction should be part of a comprehensive dengue control strategy, including well-executed and sustained vector control, evidence-based practices for clinical care and strong dengue surveillance,” pahayag ni Bravo.
Sa naturang press conference, sinabi ni Usa Thisyakorn, pediatrics professor sa Chulalongkorn University, Bangkok, na itinuturing niyang “hero” ang Pilipinas dahil sa ipinakita nitong paglaban sa dengue, lalo na ang pangunguna sa public mass immunization.
“We can learn from the Philippine experience,” aniya.
Binati rin ni Prof. Duane Gubler, chair of Global Dengue and Aedes-Transmitted Diseases Consortium, ang Pilipinas dahil sa pagpapakilala nito sa vaccine (Dengvaxia) bilang isa sa mga paraan para mapigilan ang pagkalat ng sakit na dengue.
Ayon kay Gubler, kung gagamitin nang tama ang vaccine, mababawan nito ang pagkalat ng dengue virus, pati na rin bilang ng namamatay na tao dahil dito.
“The recently released WHO (World Health Organization) position paper on dengue vaccine supports the use of vaccination to help prevent dengue as part of a comprehensive dengue control strategy in each endemic country, especially in areas where there is a high burden of disease,” sabi pa ni Gubler.
Bukod sa Pilipinas, ang vaccine Dengvaxia ay aprobado na ring gamitin sa Mexico, Brazil, El Salvador, Costa Rica, Paraguay, Guatemala, Peru, Indonesia, Thailand at Singapore.
Ang bakuna ay ibinibigay sa mga taong edad siyam hanggang 45.
Sa kabila nito, binigyang diin ng health experts na bagamat may vaccine na laban sa dengue, kinakailangan pa rin mga tao na maging malinis sa kapaligiran para mawala ang mga pinag-iitlogan at pinamumugaran ng lamok na Aedes aegypti, ang transmitter ng dengue virus.
Ang dalawang araw na dengue summit ay inorganisa ng Asian Dengue Vaccination Advocacy, isang scientific working group, kasama ang South East Asian Ministers of Education Tropical Medicine and Public Health Network.
Layunin ang pagtitipon na malaman ng mga daluhasa ang mga epektibogn estratehiya para labanan ang sakit na dengue sa Asian countries.